daluyong
sadya ngang mabilis ang agos ng buhay
at lahat ng bagay ay kanyang tinatangay
hindi man natin pansinin
hindi man natin aminin
may mga araw na namumukadkad ang ngiti
at may mga araw na umuuwing sawi
gustuhin mang makaalpas
sa huli’y wala pa ring takas
ngayon, mga puso’y bigkis ng pagmamahalan
bukas, pawang mga kaluluwa’y naiwan na sa kawalan
hindi man ito mamalayan
at hinding-hindi inasahan
mamayang gabi, yakapin man ako ng mga alaala
aasa pa rin na baka bukas, sana bukas, ako na ang pinagpala
sino ba’ng gustong mag-isa?
at mabuhay sa anino ng pagdurusa…